Naaalala mo ba nung bata ka pa
Pag-ibig ay iyong binabalewala
Parang kailan lang nung ika’y kayakap ka pa
Pagmulat ng mata’y bigla siyang nawala
*Huwag mong isipin
madali lang ang umibig
Kapag tunay ng nadarama’y mabibigo ka rin
**Unang pag-ibig lagi mong maaalala
Kahit kailan ay babakas pa rin ang luha
Ayaw kong mabigla, kaya ko sasabihin
Unang sugat sa puso, habang buhay magdurugo
Ligayang natamo’y walang kapantay
At parang lumilipad ang aking kamay
Pagnakikita ka’y di ako mapalagay
Tanging pagmamahal lamang ang ibibigay
Repeat * **
Handa na kong umibig pang muli
At yayakapin kong bawat sandaling kapiling ka…
Repeat **
Habang buhay magdurugo, unang sugat sa puso mo
(Repeat till fade)
